Tagalog: Tagalog
Kailangan ba ninyo ng tulong sa ibang lengguwahe? Ikukuha namin kayo ng libreng tagasalin. Mag-click DITO para padalhan kami ng request o tumawag sa (808) 586-8730 para sabihin sa amin kung anong wika ang sinasalita mo.
Do you need help in another language? We will get you a free interpreter. Click HERE to send us a request or call (808) 586-8730 to tell us which language you speak.
Tungkol Sa Amin (About OLA)
Ang Tanggapan ng Access sa Wika (Office of Language Access, OLA) ay nagbibigay ng sentralisadong pamamahala, koordinasyon, at teknikal na tulong sa mga ahensya ng Estado (mula sa ehekutibo, lehislatibo at hudikatura na sangay ng pamahalaan ng estado ng Hawai’i) pati na rin ang mga organisasyong nakakatanggap ng pagpopondo ng estado.
Isa ang Hawai`i sa may pinakamalaking rate ng per-capita ng mga taong may limitadong kasanayan sa wikang Ingles (Limited English Proficient, LEP) sa bansa. Noong 2006, upang matiyak ang makabuluhang access sa mga serbisyo, programa, at aktibidad ng mga LEP na inidibidwal, Hawai`i ang naging unang estado sa bansa na nagpasa ng isang komprehensibong batas sa access sa wika na nag-aalis sa mga hadlang sa wika sa mga serbisyo ng Estado at pinopondohan ng Estado. Sinasalamin ng batas sa Hawai`i ang isang katulad na pederal na batas.
Ang parehong batas din ang nagtatag ng Tanggapan ng Access sa Wika (Office of Language Access, OLA). Kumikilos ang OLA upang matiyak na ang mga taong hindi nagsasalita, nagbabasa, nagsusulat, o nakakaunawa sa wikang Ingles ay may access sa mga serbisyo, programa, at aktibidad na ibinibigay ng: Mga ahensya, hukuman, at paaralan ng pamahalaan ng Estado; at mga organisasyong pinopondohan ng Estado, kabilang ang mga tagapagbigay ng serbisyong medikal at panlipunan.
MOTTO NG OLA (OLA’s MOTTO)
ʻO ka ʻŌlelo Ke Ola – Ang Wika ay Buhay Ginagamit namin ang “‘O ka ‘ōlelo ke ola – Ang wika ay buhay” bilang motto ng OLA. Sinasalamin nito ang kahalagahan ng wika at kung paano nakakatulong ang wika sa mga tao. Kinakatawan din ng motto ang diwa ng pagkakapantay-pantay sa mga batas sa access sa wika ng Hawai‘i. Ang wika ay dapat isang instrumento, at hindi isang hadlang, tungo sa pagkamit ng mas masaganang buhay. Kami dito sa OLA ay umaasa sa pakikipagtulungan sa pamahalaan, pribadong sektor at komunidad para maisakatuparan ito.
Ang Batas (The Law)
Ibang wika maliban sa wikang Ingles ang ginagamit sa bahay ng humigit-kumulang isa sa apat na residente ng Hawaii. Mas mataas ito sa average sa U.S. na 21 porsyento. Para sa marami, hindi wikang Ingles ang kanilang pangunahing wika, at mayroon lang silang limitadong kakayahang magbasa, magsalita, o makaunawa sa wikang Ingles. Kadalasan, mga hadlang sa wika ang nakakapigil sa maraming residente na ganap na lumahok sa ating komunidad, na nagbabalewala naman sa mga pagsisikap upang sila ay magkaroon ng sapat na kakayahan at maging produktibo.
Ang Ginagawa Namin (What We Do)
Ang kabuuang layunin ng Tanggapan ng Access sa Wika (Office of Language Access, OLA) ay nauugnay sa positibong pagtugon sa mga pangangailangan sa access sa wika ng mga indibidwal na may limitadong kasanayan sa wikang Ingles (limited English proficient, LEP) sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsubaybay, sentral na koordinasyon, at teknikal na tulong sa Estado at ahensyang pinopondohan ng estado sa pagpapatupad ng mga kinakailangan para sa access sa wika.
(OLA Documents Section)
Abiso sa Mga Indibidwal na Nagsasampa ng Reklamo (Notice to Individual Filing a Public Complaint)
Pormularyo ng Reklamo (Complaint Form)
Pahintulot na Maglabas ng Impormasyon (Consent to Release Information)
Pagbawi ng Reklamo (Withdrawal of Complaint)
BATAS SA KAKAYAHANG MAKAGAMIT NG WIKA SA HAWAI`I(Language Access Law In Hawaii)
Tagalog I Speak Card Iprenta itong kard (I-Speak card)
Kahilingan para sa Libreng Serbisyong Pabigkas na Pagsasaling-Wika (Request for Free Interpretation Service)
Paano Ka Makakahiling ng Tagasalin (How You Can Request an Interpreter)
(Other)
COVID-19: ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN (What You Need to Know)